Mga Pahina

Linggo, Hulyo 31, 2011

Pasko ng anak ng isang OFW

Ding-Dong-Ding-Dong
Tunog ng kampanang tuktukin
Dinig mo na ba ang balita?
Pasko ay sasapit na...


Tila kahapon lang, ako'y namasko sa inyo
Heto na naman, ako'y babalik para ipaabot sa iyo
Ang magandang balita, alam kong alam mo na
Ipagdiwang nating ang kapanganakan Niya


Paano mo ipinagdidiwang ang kaarawan ng Ama?
Paghahanda, pagmamasyal ba kasama ang buong pamilya?
Krismas tree, Krismas lights, regalo at Noche Buena
Lahat ay preparado, lahat ay handa na


Kung kayo ay ganoon, kainggit inggit naman
Nakakatawa man, pero ito ay pawang katotohanan lamang
Ok lang, kahit di ko kasama aking ama at ina,
Ang kanilang presensya, di ko nakikita pero nararamdaman tila



Hindi nila kayang umuwi, wala ako dapat igalit
Sila ngayo'y malayo, pero pagmamahal nila ay malapit
Dahil kaming magkakapatid sa simbahan ay umaawit,
Gusto ipadinig, munting tinig sa gabing hindi ramdam ang pait


Ako'y isang expat kung matuturing,
Mahirap man pero 'yan ang itinakda Niya sa akin,
May naghihintay na kapalit, kaya dapat tiisin
Kaya sa Panginoon ko iniaalay, pasasalamat ko sa aking biyayang naangkin


Pasasalamat, Pagbibigayan, Pagmamahalan
Ang tatlong salita sa Pasko ay nangangahulugan,
Si Jesus ay ipinanganak sa isang pasungan,
Isang selebrasyong di dapat maipagpaliban.

Buwan

Isang araw na hindi kita naalala,

Isang araw din na hindi ka nagpakita,

Isang araw na ayaw kitang isipin,

Isang araw na pilit kitang kinalimutan



Isang araw na inilaan ang utak sa ibang bagay,

Isang araw na ibinigay ang puso sa kinahihiligan,

Isang araw nagpahinga sa pag-issip kung okay ka lang ba.

Isang araw linimot ang kasiyahang ating pinagsaluhan.



Kung isang araw kitang kinalimutan,

Ganun din ibinalik ang alaala ng isang Buwan,

Pilitin man isipin ng utak na huwag ibalik ang nakaraan,

Pinaparaya ang puso kong sa'yo sana nakalaan.

Si Maria Clara

Ang mga dilag noong unang panahon,
Napakakonserbatibo, ni ayaw magpahawak sa mga Hapon
Sila ay mahinhin kung maituturing
Dahil may pangalan silang tumataginting


Mahahaba ang buhok, Mahahaba ang saya
Ang kanilang pisngi ay nakaaya-aya
Magsalita ay di makabasag pinggan
Ni walang mura ang iyong mapakikinggan

Oh kay sarap kilalanin si Maria Clara
Kahit hindi mayaman at kagaragara
Pero paglipas ng panahon ano itong nangyayari,
Nawala na si Maria Clara, sino itong babae?

Kay laswa tingnan,
Paumanhin, pero sino itong banyaga?
Ay hindi! Nagbabanyabanyaga lang pala
Bakit nagkaganito ang dati nating nakagisnan

Koreano, Amerikano at kahit ano pang -ano
Bakit ito ang tinatangkilikan ng mga kabataang Pilipina?
Hindi ba nila kayang maipagmalaki ang  ginawa ng ninuno?
Ang kaakit akit na ugali ni Maria Clara.

Oh, Maria Clara,
Nasaan ka na?
Ika'y hinahanap ng bansa mong minamahal
Ika'y hihintayin para magising sa katotohanang hangal.