Mga Pahina

Linggo, Hulyo 31, 2011

Pasko ng anak ng isang OFW

Ding-Dong-Ding-Dong
Tunog ng kampanang tuktukin
Dinig mo na ba ang balita?
Pasko ay sasapit na...


Tila kahapon lang, ako'y namasko sa inyo
Heto na naman, ako'y babalik para ipaabot sa iyo
Ang magandang balita, alam kong alam mo na
Ipagdiwang nating ang kapanganakan Niya


Paano mo ipinagdidiwang ang kaarawan ng Ama?
Paghahanda, pagmamasyal ba kasama ang buong pamilya?
Krismas tree, Krismas lights, regalo at Noche Buena
Lahat ay preparado, lahat ay handa na


Kung kayo ay ganoon, kainggit inggit naman
Nakakatawa man, pero ito ay pawang katotohanan lamang
Ok lang, kahit di ko kasama aking ama at ina,
Ang kanilang presensya, di ko nakikita pero nararamdaman tila



Hindi nila kayang umuwi, wala ako dapat igalit
Sila ngayo'y malayo, pero pagmamahal nila ay malapit
Dahil kaming magkakapatid sa simbahan ay umaawit,
Gusto ipadinig, munting tinig sa gabing hindi ramdam ang pait


Ako'y isang expat kung matuturing,
Mahirap man pero 'yan ang itinakda Niya sa akin,
May naghihintay na kapalit, kaya dapat tiisin
Kaya sa Panginoon ko iniaalay, pasasalamat ko sa aking biyayang naangkin


Pasasalamat, Pagbibigayan, Pagmamahalan
Ang tatlong salita sa Pasko ay nangangahulugan,
Si Jesus ay ipinanganak sa isang pasungan,
Isang selebrasyong di dapat maipagpaliban.

2 komento:

  1. Hi po! Salamat po! Hehe. Idol ko po kayo actually, at d ko inaasahang magcocomment at compliment ka sakin. Ako po si Gaselle. :)

    TumugonBurahin