… para ngayon pa lang, magrereview na ko.
Waaa. Tense na ko sa darating na UPCAT exam namin. 2weeks na lang. Natatakot ako di makapasa. Algebra. Chemistry. Physics, Lord naman! Help. Kung ang 3 subjects na yan ay naging madali, ay Lord. Magpapakabait na ko super. Di nako mag sisinuplada sa parents ko. Siguro kailangan ko ng tutor. Hahaha. Ironic no, exam na next 2 weeks pero heto.. Tumblring. Tumblring. Next week focus na ko. PROMISE! Siguro, ngayon ang start na study ko.
BS Accountancy
BS Public Health
BS Pharmacy
-pero ang totoong gusto ko maging ay DOCTOR. Simula bata pa ko, un talaga ang pinapangarap ko. Haaay. Gusto ko magserbisyo sa mahihirap lalong lalo na sa mga bata.
Lord, please. Have mercy. I love you Lord, alam kng kaya ko to. Nanjan ka db? :)
Pero ngayon, Asawa ni Juan muna ako.
Makata si Maria
Biyernes, Agosto 5, 2011
Miyerkules, Agosto 3, 2011
Lunes, Agosto 1, 2011
Isang Sarcastic na Tula
Naaalala mo pa ba ang loveteam natin?
Dahil iyong pisngi, kay sarap kong kurutin
Ang mga nanunukso ay gusto mong sapakin
Huwag ka ng pumatol, baka ikaw pa'y patiwaring ibitin
Hindi ka ba nagtataka?
Na ika'y pinag-aagawa ng mga loka-loka
iIkaw si Ronie, sila'y si Agua at Bendita
Pero please lang, hindi ko balak na ika'y mairita
Itong tula na 'to ay talagang para sa iyo
Galing sa puso kong buo buo,
Dahil ngayon ikaw ay buto buto
Ako'y masaya dahil hindi ka pa multo
Oh, aking giliw
Ako ngayo'y nagmimistulang baliw
Sa iyong likod, na hindi nakakaaliw
Ang iyong mga taba, ay bigla lang nagmaliw
Aking pasasalamat aking pinaabot,
Dahil hindi na ako ang pinakapayat sa ating palibot (haha. Ilonggo)
Ikaw na ay magpataba,
Para masirahan mo na ang kanilang mga baba
Siya nga yan. Payat diba? Hahahaha.

Linggo, Hulyo 31, 2011
Pasko ng anak ng isang OFW
Ding-Dong-Ding-Dong
Tunog ng kampanang tuktukin
Dinig mo na ba ang balita?
Pasko ay sasapit na...
Tila kahapon lang, ako'y namasko sa inyo
Heto na naman, ako'y babalik para ipaabot sa iyo
Ang magandang balita, alam kong alam mo na
Ipagdiwang nating ang kapanganakan Niya
Paano mo ipinagdidiwang ang kaarawan ng Ama?
Paghahanda, pagmamasyal ba kasama ang buong pamilya?
Krismas tree, Krismas lights, regalo at Noche Buena
Lahat ay preparado, lahat ay handa na
Kung kayo ay ganoon, kainggit inggit naman
Nakakatawa man, pero ito ay pawang katotohanan lamang
Ok lang, kahit di ko kasama aking ama at ina,
Ang kanilang presensya, di ko nakikita pero nararamdaman tila
Hindi nila kayang umuwi, wala ako dapat igalit
Sila ngayo'y malayo, pero pagmamahal nila ay malapit
Dahil kaming magkakapatid sa simbahan ay umaawit,
Gusto ipadinig, munting tinig sa gabing hindi ramdam ang pait
Ako'y isang expat kung matuturing,
Mahirap man pero 'yan ang itinakda Niya sa akin,
May naghihintay na kapalit, kaya dapat tiisin
Kaya sa Panginoon ko iniaalay, pasasalamat ko sa aking biyayang naangkin
Pasasalamat, Pagbibigayan, Pagmamahalan
Ang tatlong salita sa Pasko ay nangangahulugan,
Si Jesus ay ipinanganak sa isang pasungan,
Isang selebrasyong di dapat maipagpaliban.

Buwan
Isang araw na hindi kita naalala,
Isang araw din na hindi ka nagpakita,
Isang araw na ayaw kitang isipin,
Isang araw na pilit kitang kinalimutan
Isang araw na inilaan ang utak sa ibang bagay,
Isang araw na ibinigay ang puso sa kinahihiligan,
Isang araw nagpahinga sa pag-issip kung okay ka lang ba.
Isang araw linimot ang kasiyahang ating pinagsaluhan.
Kung isang araw kitang kinalimutan,
Ganun din ibinalik ang alaala ng isang Buwan,
Pilitin man isipin ng utak na huwag ibalik ang nakaraan,
Pinaparaya ang puso kong sa'yo sana nakalaan.

Si Maria Clara
Ang mga dilag noong unang panahon,
Napakakonserbatibo, ni ayaw magpahawak sa mga Hapon
Sila ay mahinhin kung maituturing
Dahil may pangalan silang tumataginting
Mahahaba ang buhok, Mahahaba ang saya
Ang kanilang pisngi ay nakaaya-aya
Magsalita ay di makabasag pinggan
Ni walang mura ang iyong mapakikinggan
Oh kay sarap kilalanin si Maria Clara
Kahit hindi mayaman at kagaragara
Pero paglipas ng panahon ano itong nangyayari,
Nawala na si Maria Clara, sino itong babae?
Kay laswa tingnan,
Paumanhin, pero sino itong banyaga?
Ay hindi! Nagbabanyabanyaga lang pala
Bakit nagkaganito ang dati nating nakagisnan
Koreano, Amerikano at kahit ano pang -ano
Bakit ito ang tinatangkilikan ng mga kabataang Pilipina?
Hindi ba nila kayang maipagmalaki ang ginawa ng ninuno?
Ang kaakit akit na ugali ni Maria Clara.
Oh, Maria Clara,
Nasaan ka na?
Ika'y hinahanap ng bansa mong minamahal
Ika'y hihintayin para magising sa katotohanang hangal.

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)